May 17, 2026
May 08, 2026
Narcotics Anonymous
I went to an NA meeting. Hindi ko na matandaan kung paano, pero naalala kong may Zoom link na nag-alangan pa akong i-click. Sinubukan kong pumasok kahit may pag-aalangan; baka mag-gatecrash ako sa isang importanteng meeting, o baka mapasukan ko ang meeting ng mga alters. Pero sige, go. Bahala na kung i-kickout nila ako. Wala namang pumansin sa akin. Siguro kasi dahil halos 100 ang mga participants, lahat ay mga taga Amerika. Ako lang yata yung hindi taga doon. Pero walang kumwestyon sa akin. Tuloy-tuloy na nagsasalita ang facilitator, doon ko nalaman na NA meeting pala ito. Narcotics Anonymous.
Anong gagawin ko dito? Naisip ko ‘hala baka tawagin ako to share’ eh di naman ako drug addict. Buti at ang tinatawag lang yung mga nagtataas ng kamay at nung binasa ko yung chat, nakalagay naman na ‘open to all’ yung meeting. Kaya hindi na din ako umalis, nakinig na lang ako sa mga kuwento nila. Ang napansin ko, karamihan sa mga nag-share na drug-free na ay mga kababaihan; yung iba sa kanila 4 na taon nang sober, yung ibang mas matatanda ay dekada na. Karamihan naman sa mga nag-share na addict pa rin at struggling ay mga kalalakihan. Tumatak sakin yung isang nag-share na lalaking estudyante. Umiiyak siya nung nagkukwento siya. Mga dalawang buwan na din siyang hindi gumagamit pero nate-tempt ulit siyang tumikim dahil sa pressure ng buhay estudyante. Binigay din niya ang contact niya dahil may mga iba sa room na gusto siyang tulungan. 5 minutes lang ang time allotment ng bawat isa. Bigla tuloy akong nagkainteres na mag-share ng saloobin ko, gusto kong mag-raise ng kamay kaso naalala ko sumasawsaw lang pala ako.
Pero nakakatuwa din at nakapakinig ako sa ganung meeting. Hindi lang naman sharing yung ginawa nila, may poetry reading pa silang ganap at may pa-mini games din. May participant pa mula sa isang county jail. Nung magsisimula na yung mini game, nag-exit na ako. Pero next time kung may pagkakataon ulit na makapag-gatecrash sa isang NA or AA meeting, bakit hindi. Di ba?
October 09, 2025
Hinggil sa taho
Hindi ko talaga gusto ang taho. Naalala ko nung highschool kahit anong pilit ng tropa kong pakainin ng taho ay sinusuka to talaga siya. Kahit tokwa ayaw na ayaw ko, kasi parang ngumunguya ako ng basang papel. Pero noong lumuwas ako para magtrabaho kinailangan ko siyang kainin. Dahil may mga panahong wala akong pera. At taho, at tokwa ang mura.
Ngayon, gustong-gusto ko na sila. Paborito ko na sila.
Pero sa ngayon ay madalang na lang akong makakain ng taho. Dahil dito sa aming lugar sa probinsiya hindi araw-araw ay may maririnig kang “tahoooooo!” sa kalsada. Kaya naman kaninang may dumaang magtataho, dali-dali akong lumalabas para bumili. Kahit bente pesos ang isang baso niya ay ayos na rin. Choosy pa ba ako.
